Gastos sa Kampanya, Sukdulan nga ba?

gastosSinasabing nakabubuti para sa ekonomiya ang paggastos sa pangangampanya ng mga kandidato't partido pulitikal tuwing may pambansang halalan. Ayon sa pagsusuri nina Richard Emerson Ballester, et al., ng National Economic Development Authority (NEDA), nakikitaan ng bahagyang pag-angat sa gross domestic product (GDP) ang iba't-ibang sektor ng ekonomiya, at dumarami ang nagkakaroon ng panandaliang empleyo sa mga nasabing panahon.1

Ngayong taon, kung kailan idinaraos ang halalang midterm, tinatayang mahihigitan pa ang gastos sa mga pampulitikang kampanya noong 2010 at 2007. Sa political ad spending pa lang, tinatayang aabot na sa Php2 bilyon ang gagastusin ng mga kandidato't partido.2 Kalakhan ng gastos ay para umano sa mga patalastas sa television networks, kung saan halos Php500,000 ang binabayaran sa 30-segundo hanggang isang minutong patalastas, bilang pangunahing daluyan ng impormasyon. Ang pagtayang ito ay 66 porsiyentong mas mataas kaysa sa Php1.2 bilyong ginastos ng mga pulitiko para sa media ads noong 2007, ayon sa ulat ng Deutsche Bank AG/Hong Kong nitong Enero.

Read More

Gastos sa Kampanya: Noon


mercadoNapakalaki ng pangangailangan natin sa reporma sa gastusin sa eleksiyon o ang tinatawag na campaign finance reform.

Noong katatatag pa lamang ng Senado pagkatapos ng EDSA 1 kung saan  kumandidato ako sa unang pagkakataon, wala halos kaming gastos. Una, bawal ang radio at TV ads. Noong tumakbo ako sa pangalawang termino noong 1992, bawal pa rin ang radio at TV ads. Noong wala na ako sa Senado, hiniling ng KBP na payagan ang paggamit ng TV at radio ads ng mga nangangampanya sa pambansang eleksiyon.

Ilang pag-aaral ang nagpapatunay na ang ginagastos ng mga kandidato sa TV ads ay halos naaayon sa ranking nila sa resulta ng eleksiyon. Napakalaking bagay niyan.

When I ran for office the last time, I knew I could not come up with the amount that would be needed for placing ads in the primetime spot. A 30-seconder ad already cost P300,000 in 2001.

Ngayong 2013, ang isang 30-seconder spot ay maaaring umabot ng P600,000. Imagine how much money you should have to be able to market yourself.  Kaya ang nakakalamang diyan ay mga kandidatong may dating pangalan na, o kasama sa dinastiya, nasa pinilakang tabing, at nasa telebisyon araw-araw o linggu-linggo. Minimal lamang ang kailangan nilang adbertisment.

Read More

Gastos sa Kampanya: Ngayon

deancoNagsagawa ng monitoring at pag-aaral tungkol sa eleksyon at campaign finance, o campaign spending, ng mga pulitiko noong 2007 ang grupong Pera at Pulitika (PAP). Dalawang lebel ang aming ginawa—isa sa antas lokal, para sa mga kandidato na tumakbo sa lokal na posisyon, at isa sa antas nasyunal, para sa mga tumakbo sa pagka-senador. (Hindi namin kayang i-cover pa yung  party-lists na nasa antas national din.)

Napatunayan namin na napakahirap i-monitor o subaybayan ang kanilang expenditures, dahil sa TV ads pa lamang ay kailangang tutukan buong araw para makita kung ilang ads nila ang lumabas. Ang pinakamagandang paraan ay mag-commission ng grupo na sadyang gumagawa na ng ads monitoring. Ito ay ang TV ratings firm na AC Nielsen. Isang function nito ay i-monitor ang commercials sa TV. Sinuri namin ang data mula sa AC Nielsen at lumabas kung magkano ang ginagastos ng isang kandidato doon pa lamang sa TV commercials. Nalaman din namin na ang TV commercial ang pinakamahal na pamamaraan ng kampanya, kasunod nito ang mga radio commercials.

Dalawa lamang ito sa malaking ginagastusan ng mga kandidato. May iba pang pinagkakagastusan sa kampanya, gaya ng mga rallies at sorties, kung saan umiikot sila sa buong bansa at mga key cities. Namimigay din sila ng t-shirts, pamaypay, at iba pang mga items. Ang pamasahe sa pag-ikot nila ay bahagi ng campaign spending. Lahat nang ito ay napakahirap i-monitor. Kahit sinubukan naming makipag-ugnayan sa kanilang staff, mahirap makakuha ng transparency  kung magkano lahat ang gastusin o expenses. Sinabi nila na ang kanilang  pondo ay galing din naman sa maraming donors, kaya sila mismo ay nahihirapang tukuyin lahat ng spending. Tinutukan namin ang tv at radio commercials—ang pinakamalaking chunk ng expenditures ng national candidates.

Read More